6 Benefits of Living in A Gated Community
Para sa mga bagong Filipino homebuyers, ang unang tinatanong nila kapag nagbabalak mag-invest sa isang property ay ” ano ang pinagkaiba ng mga gated private subdivision kumpara sa mga property na nasa labas ng subdivision?” Heto ang anim na mga benefits ng pagtira sa isang gated community.
1. Proteksyon at Seguridad ng Iyong mga Minamahal
Ang mga gated subdivision ay mayroong security services. Sa umaga, ay may guwardiyang naka-istasyon sa main gate. Sa gabi naman, mayroong guwardiyang naka-istasyon sa main gate at mayroon ding isa pang guwardiya na nag-iikot bawat oras. Itong mga serbisyong ito ay kasama sa binabayaran na association or community dues ng bawat homeowner sa loob ng subdivision.

Napapalibutan din ang mga subdivision ng perimeter fence kung kaya mahihirapan manghimasok ang mga outside threats.
Konti lang din ang mga sasakyan sa loob ng isang gated community. Higit pa dito, mayroong karapatan at authority ang mga homeowners para i-regulate ang mga sasakyan na puwedeng papasukin sa loob ng village.

Dahil inaalagaan ng mga homeowners ang isa’t isa, kahit nasaan ka sa mundo, masmapayapa at kampante ang iyong isip dahil ang pamilya mo ay protektado at safe.
2. Belongingness at Empowered Community
Kapag ikaw ay nakatira sa isang gated community, automatic na ikaw ay nagiging miyembro ng isang homeowners association. Ikaw ay parte ng isang ekslusibong organisasyon na patuloy na nagtutulungan para masgumanda ang mga serbisyo at amenities sa loob ng community. Hiyang tayong mga Pilipino sa ganitong pamumuhay dahil sa kultura natin, pinapahalagahan ang “bayanihan” at ‘pakikisama’ sa isa’t isa.

3. Developer Accreditation
Ang mga gated at private subdivisions kagaya ng mga projects ng Mediatrix Homes ay accredited sa mga finance institutions gaya ng PAG- Ibig at mga pribadong bangko. Masmapagkakatiwalaan at masmabilis ang application, assessment at appraisal sa transaksyon. Masmabilis din ang approval dahil sa matagal ng partnership ng developer at mga finance institutions.

If you want to talk to a Mediatrix Homes accredited seller, click here.
4. Insured ang Iyong Investment
Dapat siguraduhin na ang investment mo ay may proteksyon. Kapag ikaw ay bumili ng property sa isang private subdivision gamit ang PAG-Ibig housing loan, meron itong kasamang fire insurance at mortgage redemption insurance. Ang mortgage redemption insurance ay mahalaga dahil kapag ikaw ay nalagay sa alanganin, puwedeng mabayaran ng buo ang property na iyong hinuhulugan.

5. Long Term Loan, Long Term Downpayment
Dahil in partnership ang Mediatrix Homes with PAG-Ibig, puwede kumuha ang isang homebuyer na PAG-Ibig member ng loan hanggang thirty (30) years na may mababang interes. Ang downpayment naman ay puwedeng hulug-hulugan hanggang twenty four (24) months.

6. Masmataas na Value ng Property
Bukod sa maganda ang mga gated communities na lugar para palakihin ang mga anak, ang value ng mga property sa loob ng isang private subdivision ay patuloy lamang na tumataas. Kapag nagdecide ka na ibenta ang property sa future, masmadali mo itong maibebenta. Mabilis babalik ang investment mo kasama ang karagdagang kinita mo sa appreciation ng lupa.

